

HINDI SA SINABAWANG GULAYMakulay ang buhay sa sinabawang gulay! ayon sa isang patalastas sa telebisyon. Totoong makulay ang buhay, bagamat di ito nakasalalay sa sinabawang gulay o ano pa man. Kung tutuusin, ang buhay-pilipino ay likas nang makulay. At ang bagay na ito ay di na kailangang sabihin pa. Kahit ang mga nandarayuhan sa atin ay mamamangha sa mga nagkalat na kulay ng kulturang pilipino. Sapagkat ang kulay ng pilipino, kahit san ka lumingon, makikita ng dalawang mata mo.HINDI SA SINABAWANG GULAY
Simulan natin sa ating sariling watawat. Ang sagisag ng ating kasarinlan ay kakikitaan ng makulay na disenyong bagamat may malalim na kahulugan ay na